Halamang Gamot na Aprobado ng DOH
Narito ang listahan ng sampung (10) halamang gamot na aprobado ng Kagawaran ng Kalusugan na inendoro sa pamamagitan ng kanilang “Traditional Health Program.” Ang mga halamang gamot na nasa ibaba ay masusing pinag-aralan at pinatunayan sa mga pagsusuri na ang mga ito ay may kakayahang makapgbigay ginhawa at nakagagaling ng iba’t ibang uri ng karamdaman.
1. Akapulko – tinatawag ding “bayabas-bayabasan, lunas sa buni at mga sakit sa balat sanhi ng mga halamang-singaw (fungus).
4. Bayabas – gamit bilang antiseptiko para disempektahin ang mga sugat. Gamit din ang bayabas bilang pangmugmog sa may sumsakit ang ngipin at may impeksyon sa gilagid. Sa probinsiya, kalimitang gamit ang pinakuluang dahon ng bayabas sa paglalangas ng mga bagong tuli.
6. Niyog-niyogan – mabisa upang mapuksa ang mga bulati sa tiyan lalo na ang “Ascaris” at “Trichina”. Ang magulang na buto lamang ang dapat gamitin, biyakin ito at nguyain 2 oras pagkatapos kumain ( 5 hanggang 7 buto para sa mga bata; 8 hanggang 10 para sa matatanda). Ulitin pagkalipas ng isang lingo kung hindi agad naalis ang lahat ng bulati.
7. Sambong – isang diuretikong mabisa sa pagpapalabas ng bato sa pantog. Gamit din ito bilang panlunas sa edema.
8. Tsaang Gubat – inihahanda bilang tsaa, mabisa itong panlunas sa sumasakit ang tiyan o pag-likot ng bituka. Dahil mayaman sa fluoride, gamit din ang tsaang-gubat bilang pangmumog.
9. Ulasimang Bato – kilala rin bilang “pansit-pansitan”. Mabisa ang halamang ito sa panlunas sa rayuma at gota (gout). Ang mga dahon ng ulasimang bato ay maaaring kainin bilang salad (mga isang tasa). Bilang dekoksyon (sabaw), pakuluan ng 15 – 20 minuto ang isang tasang malinis at tinadtad na dahon nito sa 2 tasa ng tubig. Salain, palamigin at uminom ng isang baso pagkatapos kumain o 3 beses isang araw.
10. Yerba Buena – tinatawag ding peppermint (menta, amg baging na ito ay gamit bilang nalgesic na nagbibigay ginhawa sa pananakit ng kalamnan at kirot. Maaari itong inumin bilang decoction (sabaw) or pampahid sa pamamagitan ng pagdikdik sa mga dahon nito at direktang ipahid sa nananakit na kalamnan.
http://pinoylakbay-diwa.blogspot.com/2011/10/10-halamang-gamot-na-aprobado-ng-doh.html









